Minsan nakakatuwa pano makipag socialize ang mga puti.
Ang mga topic ng usapan tungkol sa weather, damo, ano pinanood mo kagabi at anong lasa ng kape mo.
Sa umpisa tumatawa ako deep inside kasi kung sa Pinas siguro at ganito ang mga topic na inoopen ko sa mga kausap koe napaka weirdo no?
How's the weather in your place?
Fine! It was sunny all day and I really like it.
-mga ganyang scene ba...diba weird kung tatagalugin mo haha
lalo na yung sa damo at lawn mower (previous post)
anyway eto pa isang never mabangit at lagi ko inaabangan tuwing Friday na usapan:
OZ officemate: "Any plan this weekend Elvin?"
Alvin: Uhmmm...(Plans! ano daw gagawing ko sa weekend! Usiserong Froggy!)
I was planning to have a swim in the Beach in Hillay's (Lugar)
if the weather is good (weather nanaman pak)
OZ officemate: Wow that's nice! I'm planning to trim the grass (pak damo nanaman kelangan ba
sabihin yun ang topic ahahaha)
Alvin: Yeah (sabay smile pero deep inside sana tubuan ka ng damo sa ulo puro damo na lang gusto mo)
Mejo na struck at tinamaan ako dun sa "Plans" na yan.
Ako kasi ang taong mahilig magplano....mapa drawing (architectural plan, outing or lakad.
Effective siya kasi nakabullet at break down ano dapat kelangan, need gawin, san pupunta etc....
to cut it short part ko na magplan ng magplan.
Bakit? Kasi minsan natutuwa ako sa kinalalabasan...perfect! Happy ang lahat...organize at right on time at sched!
Applicable siya sa gimik at sa mga dates...siyempre di mawawala ang mga plan A, B, at C scheme just incase me mga di inaasahang mangyari.
Kaso parang napag isip isip ko...parang ayoko na din magplano... nawalan na ako ng gana lalo na naranasan ko un pinaka Plano ko sa buhay e pumalpak.
Kumabaga kahit anong plan B,C, D to Z di gagana. Nakakasama ng loob, nakakalungkot pag di mo na fulfill e. Lalo na kung ikaw lang magisa ang umaaskikkaso at lumalaban. Ewan...tulad nitong Blog na to...di ko naman talga plano mag blog ever...
kung sino man makabasa salamat...manlait ok lang...pero siguro naranasan nyo na na pumalpak ang isang plano nyo sa buhay....
Ang hirap pick uapin ang sarili lalo na kung napaka taas ng pangarap na yon tapos sabay nag crash landing....damn! Nakaka tulala...lalo na di naman para sayo lang yung plano na yun...
napaka simple lang ng plano ko...magka pamilya....simple? ewan Madali sabihin...mahirap siguro gawin....kaya nga ako nag kukumayod dito sa Uastralia para mafulfill ang pangarap at plano ko.
Ayoko kasi ng broken family....lalo na kung galing ako dun...madami kasi akong sablay na decisions in life noon...
ngayon lang ako bumabawi hangat me time pa at pagkakataon. Mahirap mawalan ng pamilya, magulang....kaso need tiisin...din na need magkamali this time kaya need magplano...planuhin ng mabuti....
haaays...sa totoo lang plano nga ako ng plano....di para sa sarili ko...pero sa future ko.
Nkakalimutan ko na rin ang sarili ko. Ang babaw ko kasi...bigyan mo lang ako ng candy or tshirt masayang masaya na ako...mas gusto ko ako yun nagpapasaya...malungkot kasi akong tao
sabi nga ni Charlie Chaplin: "The root of all comedy is pain/sadness."
Sapol ako dun...ayoko maranasan ng mga mahal ko sa buhay yun mga naranasan ko kaya siguro ako parang sira na ganito...plano ng plano to the point na nagcrash and burn ba....
Sigurp this time...di na ako magpaplano...need ko din I enjoy at pasayahin ko sarili ko. Puro na lang sila, si ganito si ganire....di naman sa humihingi ako gn kapalit sa ginagawa ko....simpleng thank you, appreciation lang or kausapin mo ako ok na....ewan maulo pa tlga ...
So what's my plan? My plan is: There is no plan"
Mas ok na siguro to and Let God decide for me this time. let fate do its part.
MAsaya siguro yun masusupense at me surprise. Yun tipong di inaasahan...go with the flow...me magic...ewan hahhaa
Ikaw? oo ikaw na nagbabasa neto...
What's your plan? =)
No comments:
Post a Comment