Saturday, 18 August 2012

"Payphone"

"Payphone"
http://www.youtube.com/watch?v=5FlQSQuv_mg

Ang lisa sa bagong kanta ng Maroon 5. Ang ganda!! Na LSS (last song syndrome) nga ako sa song na to siguro mga 2 weeks na tugtog ng tugtog sa utak ko mapa shower, kumakain or kahit matutulog na ako yun at yun pa rin hahahaa. Baliw na ata ako...pero actually explain ko lang kung bakit nagustuhan ko siya. Sa mga nainlove, nabroken hearted at sa mga sawi sa pag-ibig me kurot sa puso ang kanta na to. Ako aminado ako...nako pag me tumugtog na love song ahahay affected ako...emokid e eversince bata ako wahahah. Di na maalis sa systema ko yun  and matagkl ko na din alam kung bakit ako Emo...totoo kasi ako sa sarili ko. Pag malungkot ako malungkot, pag masaya talagang masaya...sa totoo lang ayoko ng nagsisinungaling lalo na sa sarili ko kaya di ko pinipigilan ang emotion ko.

Balik tayo sa topic na Payphone...ang ganda grabe...pati yun animation!  MAhilig pa naman ako sa comics...mapa marvel,dc, funny comics, pugad baboy at madami pang iba. Sa katunayan dun ako natutong magdrawing...gaya dito gaya dun hangang sa wala an kopyahan kayang kaya ko na iguhit.  Yun Payphone song swak na swak sa ngyari sakin noon...siguro naman pag nakipag hiwalay ka sa dati mong kasintahan  me darating at darating din na araw or moment na bigla mo siya maaalala. Sa sobrang hinayang mo gusto mo siya tawagan...baka sakali lang magkahimala, or dahil miss mo siya or pwede din nagusto mo lang siya makamusta kung ano na sitwasyon ng buhay nya simula ng nawala ka na sa buhay nya. HAahaha sabi nga ng kapatid kong babae:
"kuya mas babae ka pa sakin...pag tapos na tapos na"
Tama naman siya...kahit anong angulo mo mali na balikan ang tapos na. Or kung ittry mo isave ang sira ng relation e napakahirap...so best option talaga is stop, move on, forgive and enjoy life. Yun ayphone ang sarap ulit ulitin. Feel ko ako yun bida ng song (di naman ako ng iwan hahaha)
Sa Australia kahit 1st world country me payphone parin...nakaktuwa nga e sa panahong dominant na ang celphones, smartphones etc meron at meron paring mga taong mas  at ease gumamit ng payphone.
O pano...pakingan nyo at panuorin ang "Payphone". It is a very nice song, catchy tune and rythmn and cool video. Wag nyo na hintayin mabroken hearted para lalo nyo madama ang meaning nun song hahaha.
Eto lang...pag tinawagan kita...oo ikaw na nagbabasa nito...ay nako...
alam na...haha


PS: sa mga hatersd, or sa mga magagaling sa grammar jan...wag na kayo magcriticize...pake ko sa inyo at pwede ba nakikibasa ka lang...layas kung d\i mo trip =D

No comments:

Post a Comment