HAWYAADOWEENMEYT!
Ang isa sa mga salitang sa ginawa na araw araw ng Diyos e kailangan kong marinig,sambitin or sagutin sa opisina, mall or kahit sa daan habang naglalakad. Actually etong salita na to e "How are you doing mate" at pag binigkas ng lahing puti (OZ or Aussie) e ganyan na ganyan mo siya maririnig. Nang una kong tapak sa Australia l ineexpect ko na oo foreign country to at English ang local language so slang lahat...pati ako dapat maging slang din haha.Medyo akwar kung yun pagsalita mo e word per word e matigas...need ko din magka iadapt ang accent nila kahit papano. And ayun nga habang tumatagal ako napapansin ko na ang mga Oz e gusto nila shortcut ang mga selection of words nila tulad nga ng :
Hawyaadoweenmeyt!?! -How are you doing mate?
Whatchadoween?-What are you doing?
Brikkie-Brick layer
Goodonya- good for you, well done
Whinge- complain
Lollies -sweets, candy
Nakakatuwa lang kasi the way they talk is yun nga shortcut...scripted na din ang sagot mo...mabuti na lang bata pa lang tayo noong nursery up to grade 6 siguro sa Pinas natutuo na tayo sumagot sa bati na:
-Good morning teacher, good morning classmates! How are you? Fine thank you!
sabay upo sa silya at magsisimula na ang klase...(me paggagamitan ka pala nito just incase hehehe)
Kumbaga yun Hawyaadoweenmeyt!?! e parang "kamusta" sa wika natin. Yun tipong greeting lang pero alam mo yun, di mo naman talaga intention na kamustahin na ang kalagayan ng buhay nun taong binati mo.
Kadalasan sasagot mo e is
" I'm fine thank you how about you?" or
"Good! Yourself?"
Siyempre babaguhin mo araw araw para naman di ka magmukhang robot hehehe!
Ayun nabangit ko kanina na shortcut sila mag English...kung di mo nanamnamin yun sasabihin nila e wala ka maiintindihan!
Tip lang! Manood kayo ng mga Foreign series or Movies palagi. Kahit na 2nd language natin ang English e nakupow...ang maririnig mo e parang ungol lang! Promise! Tulad ng manager namin, pag binati mo sa umaga ng good morning e ang maririnig mong reply e
"erayt"-ano yan diba! hahaha...sa super slang e ibig sabihin e "I am alright"... sa sobrang dami ko naeencounter na super slang e siguro makakagawa na ako ng dictionary ng mga ganitong words hahaha.
Balik tayo sa topic na Hawyaadoweenmeyt!?!
Bakit eto ang napili kong unang topic? Simple lang:
Oo nga kinakamusta natin ang taong sinasabihan natin neto kahit na wala tayo ka pake pake kung ano ang kalagayan nya or nararanasan sa buhay. Kumbaga front lang. Ako sa totoo lang tuwing sumasagot ako ng "I am good and doing fine" deep inside alam ko di ako ok. Alam nyo yun...lahat me problema me iniisip me mga pinagdadaanan. One day kahit anong "Good or I'm fine" na sagot mo ikaw at ikaw misimo alam mo na di totoo ang sinasabi mo. Shineshare ko lang dahil one point in time oo alam ko office yun at we need to act as professionals and dapat iwan sa bahay ang mga problema sa bahay dumating isang araw na ang sinabi ko "I'm not ok"...naging honest ako sa sagot ko and ayun nga magaan sa loob and actually ready naman pala sila makinig. Di naman ako binara instead they respected me and stopped to listen to the reason why I was not OK. (sa Next POST ko na lang sheshare kugn ano yun hehe)
Ang point ko...alam nyo yun...minsan kahit anong takip mo sa problema mo, kahit ilang ngiti ang gawin mo...bibigay ka din. Ilalabas mo din...hindi mo need ng taong tutulong e, yun tao lang na me makikinig. Bonus na yung meron magcocomfort or magbibigay ng payo.Just someone who will listen and know you exist yun lang. It felt good. Being honest sa sarili na di ka OK and you learned to accept ano nangyayari sayo. Oo ikaw at ikaw lang ang makakasolve kung ano man yun dinadala mo pero sa totoo lang di mo siya need kimkimin lagi. Worst case scenario sasabog ang dibdib mo kung sakali di mo siya ilabas edi mas lalo mas masakit. Maraming ways pano siya idvert actually. Keeping yourself occupied, physical activities or siguro starting a new hobby. Kaya ayun...edi nagkwento ako di ko alam kung matutuwa ako or maiinis sa ginawa ni manong. Binigyan ako ng take home work! hahaha Sabi nya...here this will make you super busy for awhile sabay ngiti. (pag kakaintindi ko o eto overtime work wag mo isipin yan msyado kaya nya ako binigyan ng extra work at syempre extra income din yun yahooo)
To wrap things up
sa bawat bati or tanong na maririnig nyo na "kamusta ka na?" or "How are you?" mapapaisip ka e kung isa lang ba etong over used na staement or greeting. Ikaw na nagbabasa neto. Wag mo na siguro pag tawanan tong blog ko at punahin ang mga mali, grammar errors or mga patalon talon na topic na maeencounter mo. Di kita pinilit basahin to so layas =) hehehe
Ikaw? How are you doing mate? Seriously...kamusta ka na?
paps, my blogger ka pala ha, di mo sinasabi hehe. kulit ng post mo. :D
ReplyDeleteplease follow me and meeka hihi thanks :)
ReplyDelete