Monday, 1 October 2012

ako pa din to si alvin alejandrino

para sayo to miss...

pag di nagreply suplado na?
pag maikli ang sagot masungit na?
ganun lang naman kasimple
kung naalala kita ika'y importante
andami mong alam sobrang grabe
natahimik ka naman sa aking sinabe
na ikaw lang iniisip nagiisang babae
pwede ba maniwala ka na lang diba?
seryoso ako pahihirapan pa ba?
hanap ko nang babae
yun walang dalang bagahe
easy kasama walang arte
dapat maganda syempre
sinungaling ang magsabe
ayaw sa pretty at swabe
cge na aminado na ako
suplado ako di ako
barumbado antipatiko
pero never naging babaero
wala naman nag bago
nalipat lang ng bahay sa malayo
ako parin to si Alvin Alejandrino

Babala sa mga Lalake


nagayuma ata ako
nagwear off ng nalayo
ako sayo oo mejo nalito
natauhan kinalibutan
bakit ka pala pinatulan
nang titigan pinagmasdan
parang ako'y binuhusan
ng malamig na tubig
sayo pala ako'y umibig?
mukhang tindera ng isda
jeepney ba pinapasada?
grabe ayoko manlait
pero pati ugali mo'y pangit
eto ang kunswelo
kung pag-ibig ay pinilit
sasusunod mag iingat na ako
totoong malabo mata ko
pero di na ako magpapaloko
sa babae na tulad mo
oo ikaw na nagbabasa
wala ako pake kung react ka
opinyon ko ito sa aking pinagdaanan
bawat letra kataga may pinaghuhugutan
di malilimutan masaklpa na nakaraan
kaya kung ako sayo
magiingat din ako
baka sakali makatyempo
ng babaeng lalakero


PEACE!

Tuesday, 11 September 2012

BIGLAAN PERO GALING SA PUSO


    • ON THE SPOT

      sabi ko umaasa parin ako...
    • na pagbibigyan mo ko
    • kasi bawt oras na kausap kita nagbabago mundo ko
    • nag aabang baka sakali pansinin, kausapin
    • kahit minuto, segundo ok na sakin
    • ikaw kasi ang aking hahanapin
    • balang araw mararamdaman din
    • ano itong gusto kong sabihin
    • kaso ang tipid mo sumagot
    • oo, hibdi, gudnyt bbye kaya ako nauudlot
    • itutuloy tuloy ko ba kahit parang wala lang

  • 8 minutes ago
    GIRL
    • hindi ko naman lam yung irereply ko dyan sa mga sinasabi mo
  • 8 minutes ago
    Alvin Alejandrino
    • araw araw nauubusan ng dahilan, mga salit nagiging patlang
    • hahaha minsan naiisip ko na sumuko
    • parang nakakaloko sigurado ba ako
    • na baka magkahimala isang araw mahal mo narin ako

  • 6 minutes ago
    GIRL
    • hmmmm
    • kakaloka yung mga pinagsasasabi mo... super tagalog..
    • hehehehe
  • 3 minutes ago
    Alvin Alejandrino
    • on the spot yan
    • uubusan na ako ng salita

  • 3 minutes ago
    GIRL
    • ok
    • smile
  • 3 minutes ago
    Alvin Alejandrino
    • pero ang pag ibig hindi nababawasan
    • bagkus lalong nadadagdagan
    • ano ba tatangapin mo ba?
    • idsng tulad kong umaasa?
    • siguro pag kaharap kita at aking binigkas
    • siguro pag kaharap kita at aking binigkas
    • mga katagang sa bibig lumalabas
    • tawanan lang ako...naku naman malas
    • wag sana isiping biro...dahil lahat to ay galing puso
    • uy tulungan mo ako...ano ba nagrrhyme na word na nagtatapos sa"O"?
    • uahh alam ko na sana ireply mo ang matamis mong "OO"

Friday, 31 August 2012

Plan

Minsan nakakatuwa pano makipag socialize ang mga puti.
Ang mga topic ng usapan tungkol sa weather, damo, ano pinanood mo kagabi at anong lasa ng kape mo.
Sa umpisa tumatawa ako deep inside kasi kung sa Pinas siguro at ganito ang mga topic na inoopen ko sa mga kausap koe napaka weirdo no?

How's the weather in your place?
Fine! It was sunny all day and I really like it.

-mga ganyang scene ba...diba weird kung tatagalugin mo haha
lalo na yung sa damo at lawn mower (previous post)

anyway eto pa isang never mabangit at lagi ko inaabangan tuwing Friday na usapan:

OZ officemate: "Any plan this weekend Elvin?"
Alvin: Uhmmm...(Plans! ano daw gagawing ko sa weekend! Usiserong Froggy!)
           I was planning to have a swim in the Beach in Hillay's (Lugar) 
           if the weather is good (weather nanaman pak)
OZ officemate: Wow that's nice! I'm planning to trim the grass (pak damo nanaman kelangan ba 
                        sabihin yun ang topic ahahaha)
Alvin: Yeah (sabay smile pero deep inside sana tubuan ka ng damo sa ulo puro damo na lang gusto mo)

Mejo na struck at tinamaan ako dun sa "Plans" na yan.
Ako kasi ang taong mahilig magplano....mapa drawing (architectural plan, outing or lakad. 
Effective siya kasi nakabullet at break down ano dapat kelangan, need gawin, san pupunta etc....
to cut it short part ko na magplan ng magplan.

Bakit? Kasi minsan natutuwa ako sa kinalalabasan...perfect! Happy ang lahat...organize at right on time at sched!
Applicable siya sa gimik at sa mga dates...siyempre di mawawala ang mga plan A, B, at C scheme just incase me mga di inaasahang mangyari.
Kaso parang napag isip isip ko...parang ayoko na din magplano... nawalan na ako ng gana lalo na naranasan ko un pinaka Plano ko sa buhay e pumalpak.
Kumabaga kahit anong plan B,C, D to Z di gagana. Nakakasama ng loob, nakakalungkot pag di mo na fulfill e. Lalo na kung ikaw lang magisa ang umaaskikkaso at lumalaban. Ewan...tulad nitong Blog na to...di ko naman talga plano mag blog ever...
kung sino man makabasa salamat...manlait ok lang...pero siguro naranasan nyo na na pumalpak ang isang plano nyo sa buhay....

Ang hirap pick uapin ang sarili lalo na kung napaka taas ng pangarap na yon tapos sabay nag crash landing....damn! Nakaka tulala...lalo na di naman para sayo lang yung plano na yun...
napaka simple lang ng plano ko...magka pamilya....simple? ewan Madali sabihin...mahirap siguro gawin....kaya nga ako nag kukumayod dito sa Uastralia para mafulfill ang pangarap at plano ko.
Ayoko kasi ng broken family....lalo na kung galing ako dun...madami kasi akong sablay na decisions in life noon...
ngayon lang ako bumabawi hangat me time pa at pagkakataon. Mahirap mawalan ng pamilya, magulang....kaso need tiisin...din na need magkamali this time kaya need magplano...planuhin ng mabuti....

haaays...sa totoo lang plano nga ako ng plano....di para sa sarili ko...pero sa future ko.
Nkakalimutan ko na rin ang sarili ko. Ang babaw ko kasi...bigyan mo lang ako ng candy or tshirt masayang masaya na ako...mas gusto ko ako yun nagpapasaya...malungkot kasi akong tao
sabi nga ni Charlie Chaplin: "The root of all comedy is pain/sadness." 
Sapol ako dun...ayoko maranasan ng mga mahal ko sa buhay yun mga naranasan ko kaya siguro ako parang sira na ganito...plano ng plano to the point na nagcrash and burn ba....

Sigurp this time...di na ako magpaplano...need ko din I enjoy at pasayahin ko sarili ko. Puro na lang sila, si ganito si ganire....di naman sa humihingi ako gn kapalit sa ginagawa ko....simpleng thank you, appreciation lang or kausapin mo ako ok na....ewan maulo pa tlga ...

So what's my plan? My plan is: There is no plan"
Mas ok na siguro to and Let God decide for me this time. let fate do its part.
MAsaya siguro yun masusupense at me surprise. Yun tipong di inaasahan...go with the flow...me magic...ewan hahhaa 

Ikaw? oo ikaw na nagbabasa neto...
What's your plan? =)

sugatang mandirigma



Sa babaeng niloko ako ng ilang beses...pinerahan...ginamit...sinaktan pisikal, emotional at spiritual.
Isa ka na lamang mapait na ala ala...
eto ay para sayo...

ibabalik ang kahapon?  Shit mukhang hindi na!!
kung bakit ko tinapon...babae tara halika
baka iyong nalimot sa isip mong makipot
ang binali mong samahan di madadaan sa HILOT
sabihin nyo ako'y pakipot ikaw ang nagpaikot
baka di mo naisip ikaw ang tumalikod
tawagin nyong batibot ang tawanan aking alay
kungsabagay anumang bahay ay nagigiba ng ANAY!!
kung pag-ibig natin ay dito ko lamang ibabatay
"Asan ka ng mga oras ng kailangan ko ng karamay?"
andaming mga bagay na nais kong linawin
umalis lang ako ng bansa nagawa mo na akong lisanin!
Minsan ako tumawag ng saklolo, kasintahan
noong panahon ang paa ko ay lubog  na sa libingan
at ano ang kinasapitan ng paglapit ko?
Kinalas mo ang iyong braso sa pagkapit ko!!
Pwede mo ipagkalat na mali ko tong lahat
kung talikuran ang kasintahan ay di pa nga sapat
ngunit ang Lamat na iniwan ay tila walang Gamot
at sa lahat ng nagtatanong eto ang aking sagot
hindi kung sino ang tama at ayoko ng humaba
di na to sana nangyari kung tiwala di mo sinira
di na tayo mga bata para magpaliwanagan
bukod sa pinabayaan ay nagawa nyo pang TAWANAN
di ba tama lang na ang nawawala ay hanapin?
Alam mo naman ako ay lugmok di mo man lang nagawang kausapin?
NGAYON sinabi mo sa akin ang rason?
Pinagtaksilan mo ako
wala na pong pagkakataon!
Sinubukan ko ayusin...tapusin
naipon na puot sa aking dibdib...kalusin...planuhin
ang pagputol, pag-ibig natin aking ibuburol
ako si Alvin your bestfriend, we are lovers I recall
i need to let you go i don't deserve your  infidelity at all

Saturday, 18 August 2012

"Payphone"

"Payphone"
http://www.youtube.com/watch?v=5FlQSQuv_mg

Ang lisa sa bagong kanta ng Maroon 5. Ang ganda!! Na LSS (last song syndrome) nga ako sa song na to siguro mga 2 weeks na tugtog ng tugtog sa utak ko mapa shower, kumakain or kahit matutulog na ako yun at yun pa rin hahahaa. Baliw na ata ako...pero actually explain ko lang kung bakit nagustuhan ko siya. Sa mga nainlove, nabroken hearted at sa mga sawi sa pag-ibig me kurot sa puso ang kanta na to. Ako aminado ako...nako pag me tumugtog na love song ahahay affected ako...emokid e eversince bata ako wahahah. Di na maalis sa systema ko yun  and matagkl ko na din alam kung bakit ako Emo...totoo kasi ako sa sarili ko. Pag malungkot ako malungkot, pag masaya talagang masaya...sa totoo lang ayoko ng nagsisinungaling lalo na sa sarili ko kaya di ko pinipigilan ang emotion ko.

Balik tayo sa topic na Payphone...ang ganda grabe...pati yun animation!  MAhilig pa naman ako sa comics...mapa marvel,dc, funny comics, pugad baboy at madami pang iba. Sa katunayan dun ako natutong magdrawing...gaya dito gaya dun hangang sa wala an kopyahan kayang kaya ko na iguhit.  Yun Payphone song swak na swak sa ngyari sakin noon...siguro naman pag nakipag hiwalay ka sa dati mong kasintahan  me darating at darating din na araw or moment na bigla mo siya maaalala. Sa sobrang hinayang mo gusto mo siya tawagan...baka sakali lang magkahimala, or dahil miss mo siya or pwede din nagusto mo lang siya makamusta kung ano na sitwasyon ng buhay nya simula ng nawala ka na sa buhay nya. HAahaha sabi nga ng kapatid kong babae:
"kuya mas babae ka pa sakin...pag tapos na tapos na"
Tama naman siya...kahit anong angulo mo mali na balikan ang tapos na. Or kung ittry mo isave ang sira ng relation e napakahirap...so best option talaga is stop, move on, forgive and enjoy life. Yun ayphone ang sarap ulit ulitin. Feel ko ako yun bida ng song (di naman ako ng iwan hahaha)
Sa Australia kahit 1st world country me payphone parin...nakaktuwa nga e sa panahong dominant na ang celphones, smartphones etc meron at meron paring mga taong mas  at ease gumamit ng payphone.
O pano...pakingan nyo at panuorin ang "Payphone". It is a very nice song, catchy tune and rythmn and cool video. Wag nyo na hintayin mabroken hearted para lalo nyo madama ang meaning nun song hahaha.
Eto lang...pag tinawagan kita...oo ikaw na nagbabasa nito...ay nako...
alam na...haha


PS: sa mga hatersd, or sa mga magagaling sa grammar jan...wag na kayo magcriticize...pake ko sa inyo at pwede ba nakikibasa ka lang...layas kung d\i mo trip =D

Thursday, 9 August 2012

1. Hawyaadoweenmeyt!?!

HAWYAADOWEENMEYT! 

Ang isa sa mga salitang sa ginawa na araw araw ng Diyos e kailangan kong marinig,sambitin or sagutin sa opisina, mall or kahit sa daan habang naglalakad. Actually etong salita na to e "How are you doing mate" at pag binigkas ng lahing puti (OZ or Aussie) e ganyan na ganyan mo siya maririnig. Nang una kong tapak sa Australia l ineexpect ko na oo foreign country to at English ang local language so slang lahat...pati ako dapat maging slang din haha.Medyo akwar kung yun pagsalita mo e word per word e matigas...need ko din magka iadapt ang accent nila kahit papano. And ayun nga habang tumatagal ako napapansin ko na ang mga Oz e gusto nila shortcut ang mga selection of words nila tulad nga ng :
Hawyaadoweenmeyt!?! -How are you doing mate?
Whatchadoween?-What are you doing?
Brikkie-Brick layer
Goodonya- good for you, well done 
Whinge- complain
Lollies -sweets, candy

 Nakakatuwa lang kasi the way they talk is yun nga shortcut...scripted na din ang sagot mo...mabuti na lang bata pa lang tayo noong nursery up to grade 6 siguro sa Pinas natutuo na tayo sumagot sa bati na:

-Good morning teacher, good morning classmates! How are you? Fine thank you! 
sabay upo sa silya at magsisimula na ang klase...(me paggagamitan ka pala nito just incase hehehe)
Kumbaga yun Hawyaadoweenmeyt!?!  e parang "kamusta" sa wika natin. Yun tipong greeting lang pero alam mo yun, di mo naman talaga intention na kamustahin na ang kalagayan ng buhay nun taong binati mo.
Kadalasan sasagot mo e is
" I'm fine thank you how about you?" or
"Good! Yourself?"
 Siyempre babaguhin mo araw araw para naman di ka magmukhang robot hehehe!
Ayun nabangit ko kanina na shortcut sila mag English...kung di mo nanamnamin yun sasabihin nila e wala ka maiintindihan!
Tip lang! Manood kayo ng mga Foreign series or Movies palagi. Kahit na 2nd language natin ang English e nakupow...ang maririnig mo e parang ungol lang! Promise! Tulad ng manager namin, pag binati mo sa umaga ng good morning e ang maririnig mong reply e
"erayt"-ano yan diba! hahaha...sa super slang e ibig sabihin e "I am alright"... sa sobrang dami ko naeencounter na super slang e siguro makakagawa na ako ng dictionary ng mga ganitong words hahaha.
Balik tayo sa topic na Hawyaadoweenmeyt!?!
Bakit eto ang napili kong unang topic? Simple lang:
Oo nga kinakamusta natin ang taong sinasabihan natin neto kahit na wala tayo ka pake pake kung ano ang kalagayan nya or nararanasan sa buhay. Kumbaga front lang. Ako sa totoo lang tuwing sumasagot ako ng "I am good and doing fine" deep inside alam ko di ako ok. Alam nyo yun...lahat me problema me iniisip me mga pinagdadaanan. One day kahit anong "Good or I'm fine" na sagot mo ikaw at ikaw misimo alam mo na di totoo ang sinasabi mo. Shineshare ko lang dahil one point in time oo alam ko office yun at we need to act as professionals  and dapat iwan sa bahay ang mga problema sa bahay dumating isang araw na ang sinabi ko "I'm not ok"...naging honest ako sa sagot ko and ayun nga magaan sa loob and actually ready naman pala sila makinig. Di naman ako binara instead they respected me and stopped to listen to the reason why I was not OK. (sa Next POST ko na lang sheshare kugn ano yun hehe)

Ang point ko...alam nyo yun...minsan kahit anong takip mo sa problema mo, kahit ilang ngiti ang gawin mo...bibigay ka din. Ilalabas mo din...hindi mo need ng taong tutulong e, yun tao lang na me makikinig. Bonus na yung meron magcocomfort or magbibigay ng payo.Just someone who will listen and know you exist yun lang.  It felt good. Being honest sa sarili na di ka OK and you learned to accept ano nangyayari sayo. Oo ikaw at ikaw lang ang makakasolve kung ano man yun dinadala mo pero sa totoo lang di mo siya need kimkimin lagi. Worst case scenario sasabog ang dibdib mo kung sakali di mo siya ilabas edi mas lalo mas masakit. Maraming ways pano siya idvert actually. Keeping yourself occupied, physical activities or siguro starting a new hobby. Kaya ayun...edi nagkwento ako di ko alam kung matutuwa ako or maiinis sa ginawa ni manong. Binigyan ako ng take home work! hahaha Sabi nya...here this will make you super busy for awhile sabay ngiti. (pag kakaintindi ko o eto overtime work wag mo isipin yan msyado kaya nya ako binigyan ng extra work at syempre extra income din yun yahooo)

To wrap things up
sa bawat bati or tanong na maririnig nyo na "kamusta ka na?" or "How are you?" mapapaisip ka e kung isa lang ba etong over used na staement or greeting. Ikaw na nagbabasa neto. Wag mo na siguro pag tawanan tong blog ko at punahin ang mga mali, grammar errors or mga patalon talon na topic na maeencounter mo. Di kita pinilit basahin to so layas =) hehehe

Ikaw? How are you doing mate? Seriously...kamusta ka na?